Nalaman ko sa
akdang ito na kung minsan ang mahihirap na pinagdaanan natin ay nagiging
inspirasyon natin upang tayoy mag tagumpay ngunit hindi rin natin masasabi na
tunay tayong nagtagumpay hanggat may naiwang hinanakit sa ating puso.
Sabado, Oktubre 6, 2012
Saan Patungo ang Langay langayan
Sa akdang
ito nalaman ko kung gaano kahalaga ang kalayaan at hindi natin malalaman kung
tayo ba talaga ay Malaya.nalaman ko din na ang tunay na kalayaan makikita sa ating sarili at puso.
Sa Bagong Paraiso
Sa Bagong
Paraiso nalaman ko kung ano ang maaaring kahinatnan ng pagiging mapusok at maling
desisyonna ating tinatahak.
Sa Tabi ng Dagat
Sa Tabi ng Dagat: nalaman ko na may hangganan ang isang relasyon at napansin ko na maraming matatalinghagang salita sa tulang sa tabi ng dagat.
Dekada'70
Sa dekada ’70 nalaman ko na naipatupad na
ang martial law kung saan tayong mga Pilipino ay hindi nakakaranas ng
kalayaan.naipakita din dito ang kahalagahan ng kalayaan sa bawat isa.
Kahapon, ngayon at bukas
Sa akdang ito ipinapakita ang pagtataksil ng Pilipino sa kapwa nya Pilipino, naipapakita din dito ang pag kamit ng kalayaan mula sa mga dayuhan.
ang guryon
Ang
Guryon: Sa tulang Ang Guryon naramdaman ko kung gaano kahalaga ang payo ng
isang ama,at sa pamamagitan ng simpleng guryon naipakita ditto ang pagiging
matatag sa anumang problemang dumadating.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)